WAREHOUSE HELPER

GREAT SOLOMON MANPOWER SERVICE INCCity Of Pasig, Ncr, Second Districtphiljobnetjulkaistu 16.10.2026

Naghahanap kami ng masipag, flexible, at responsableng General Worker para sumama sa aming warehouse team sa food manufacturing facility. Sa role na ito, ikaw ay maaring ma-assign sa iba't ibang warehouse sections depende sa pangangailangan ng bodega bawat araw. Kung gusto mo ng trabahong maayos ang sistema at ligtas ang kapaligiran, apply na! Ang responsibilidad ay depende sa iyong pang-araw-araw na assignment, ikaw ay posibleng tutulong sa mga sumusunod base kung saang bodega areas ka mailalagay o mas fit: Tumulong sa pagbaba at pag-arrange ng mga pumasok na raw ingredients mula sa suppliers. Siguraduhing malinis, maayos, at nakasulat nang malinaw ang mga batch number at expiry dates. Tumulong sa pag-prepare at pag-timbang ng mga sangkap na dadalhin sa production. Mag-receive, mag-organisa, at mag-count ng mga packaging supplies tulad ng pouches, bottles, caps, labels, at master boxes. Mag-supply ng kinakailangang packaging materials papunta sa production line. Tiyaking maayos ang paglilipat at temporary storage ng mga semi-finished goods o kasalukuyang pino-prosesong mga produkto. Panatilihing may tamang label at segregation ang bawat batch. Tumulong sa pag-box, pag-palletize, at pag-stack ng mga natapos nang produktong nakatagal para sa dispatching. Sumunod sa FIFO (First In, First Out) system para masigurong laging bago ang naipapadalang stocks. Tumulong sa pagkakarga (loading) ng paninda sa mga delivery trucks. Panatilihing malinis at ligtas ang buong bodega alinsunod sa food safety standards at 5S principles.

Qualifications/Requirements: At least High School Graduate o Senior High School Graduate. Male, at least 22 years old hanggang 45 years old. Physical fitness is required — kayang mag-buhat at mag-ayos ng mga kahon o supplies. Open sa shifting schedule at overtime kung kinakailangan. Flexible at adaptable: Willing ma-rotate o ma-assign sa iba't ibang area ng bodega base sa operational request. Marunong sumunod sa instruction at may kusa sa trabaho. May pagpapahalaga sa kalinisan (Sanitation & Hygiene) lalo na't pagkain ang hawak na produkto. Prior experience sa warehouse o food manufacturing setup is a plus, pero open din para sa mga fresh graduates o entry-level applicants! Kayang mag-undergo at i-shoulder ang kinakailangang Medical Clearance / Pre-employment Medical Examination (PEME) bago magsimula. May kumpletong pre-employment documents (halimbawa: SSS, PhilHealth, Pag-IBIG numbers/forms/ID, TIN, NBI / Police Clearance, at National ID).

Remarks: APPLY NOW!