HEAVY TRUCK DRIVER

GREAT SOLOMON MANPOWER SERVICE INCCity Of Pasig, Ncr, Second Districtphiljobnetpublicēts 16.10.2026

Naghahanap kami ng maaasahan, maingat sa pagmamaneho, at responsableng 10-Wheeler Truck Driver para sa aming logistics at delivery operations. Ikaw ang magiging susi sa ligtas at mabilis na paghahatid ng aming mga finished goods mula sa bodega papunta sa ating mga kliyente at distribution hubs. Kung may malawak kang karanasan sa pagmamaneho ng heavy vehicles at magandang driving record, apply na! Magmaneho ng 10-wheeler wing van o cargo truck nang ligtas at alinsunod sa mga batas trapiko. Siguraduhing maipapaabot nang buo at accurate ang mga deliveries sa iba't ibang hantungan (supermarkets, warehouses, at distributors) ayon sa schedule. Makipagtulungan sa warehouse team at truck helper (pahinante) sa tamang pagkakarga (loading) at pagbababa (unloading) ng mga paninda. Suriin ang Delivery Receipts (DR), Sales Invoices, at Trip Tickets bago umalis at pagdating sa drop-off points. Siguraduhing may tamang pirma at receive stamp mula sa client ang bawat naisagawang delivery. Magsagawa ng daily pre-trip inspection (BLOWBAGETS: Battery, Lights, Oil, Water, Brakes, Air, Gas, Engine, Tires, Self). Panatilihing malinis at maayos ang kondisyon ng truck. Agad na mag-report sa Logistics Unit kapag may napansing sira, ingay, o kailangang ipagawa sa sasakyan. Sumunod sa truck ban schedules, speed limits, at road rules sa iba't ibang lungsod at lalawigan. Maging maingat upang maiwasan ang anumang aksidente o pagkasira ng dala-dalang produkto.

Qualifications/Requirements: At least High School Graduate o Senior High School Graduate.

May valid Professional Driver's License na may restriction codes A, A1, B, B1, B2, C, D (o Restricton Code 3 at 8 sa lumang lisensya). At least 1–3 taong karanasan sa pagmamaneho ng 10-wheeler heavy trucks o heavy vehicles. Pamiliar sa mga pangunahing kalsada, expressway (NLEX, SLEX, TPLEX, etc.), at routes sa Metro Manila. May sapat na kaalaman sa pangunahing trouble-shooting at maintenance ng heavy vehicles. Maingat magmaneho (clean driving record) at physically fit para sa long trips. Tapat, may magandang pakikitungo sa mga customer at kasama sa trabaho, at may disiplina. Kayang mag-undergo at i-shoulder ang kinakailangang Medical Clearance / Pre-employment Medical Examination (PEME) bago magsimula. May kumpletong pre-employment documents (halimbawa: SSS, PhilHealth, Pag-IBIG numbers/forms/ID, TIN, NBI / Police Clearance, at National ID).

Remarks: APPLY NOW!