FORKLIFT OPERATOR

GREAT SOLOMON MANPOWER SERVICE INCCity Of Pasig, Ncr, Second Districtphiljobnetoffentliggjort 16.10.2026
Skal:Senior

Naghahanap kami ng isang skilled, maingat, at lisensyadong Forklift Operator na may sertipikasyon sa TESDA (NC II). Sa role na ito, ikaw ang mamamahala sa pagpapatakbo ng reach truck at counterbalance forklift para sa mabilis at ligtas na paglilipat, pag-stack, at pag-retrieve ng mga kargamento sa ating high-bay racking systems at loading bays. Kung may karanasan ka sa warehouse heavy material handling at certified operator ka, mag-apply na! Mag-operate ng Reach Truck para sa pag-imbak at pagkuha ng pallets sa matataas na racking systems (high-bay storage). Mag-operate ng Counterbalance Forklift para sa paglo-load, pag-unload ng mga paninda sa delivery trucks, at paglilipat ng stocks sa staging areas. Tumulong sa pagtanggap (receiving), pag-aayos (putaway), at paghahanda (picking/dispatch) ng mga raw materials, packaging supplies, at finished goods. Sumunod sa FIFO (First In, First Out) system at siguraduhing tama ang pagkakagawa ng pallet stacking. Makipag-coordinate sa warehouse supervisors at inventory clerks para sa tamang pagpwesto ng mga stocks. Siguraduhing maingat ang pagbuhat ng mga produkto upang maiwasan ang anumang damage sa paninda o sa bodega. Magsagawa ng daily pre-operational check (battery charging, fluid levels, brakes, hydraulics, at tires) bago gamitin ang mga kagamitan. Agad na i-report sa maintenance o supervisor kapag may napansing sira o kailangang ipagawa sa forklift/reach truck. Sumunod nang mahigpit sa lahat ng warehouse safety guidelines, speed limits, at Good Manufacturing Practices (GMP).

Qualifications/Requirements: At least High School Graduate o Senior High School Graduate. TESDA National Certificate II (NC II) sa Heavy Equipment Operation (Forklift) o katumbas na sertipikasyon. At least 1–2 taong karanasan sa pagpapatakbo ng parehong Reach Truck at Counterbalance Forklift sa isang warehouse o manufacturing facility. Sanay sa pag-navigate at pag-maneuver sa mga matataas na racks at makikitid na aisles (narrow aisle operations). May sapat na kaalaman sa basic troubleshooting at pampatagal na pangangalaga sa forklift units. Physically fit, may magandang visual-spatial awareness, at maingat sa trabaho. Willing na magtrabaho sa shifting schedule at mag-overtime kapag kinakailangan. Kayang mag-undergo at i-shoulder ang kinakailangang Medical Clearance / Pre-employment Medical Examination (PEME) bago magsimula. May kumpletong pre-employment documents (halimbawa: SSS, PhilHealth, Pag-IBIG numbers/forms/ID, TIN, NBI / Police Clearance, at National ID).

Remarks: APPLY NOW!